Manipis na noodles ng Lucky Me Pancit Canton, ibinalik na!


Marami pa rin sa ating mga Pilipino ang patuloy na naghihintay na matapos na ang pananalanta ng nakakahawang sakit na COVID-19 sa buong mundo at nang matapos na rin ang pagpapairal ng “enhanced community quarantine” sa maraming mga lugar sa bansa. Dahil na rin sa patuloy na pag-iral ng ECQ ay mas nagkakaroon tayo ng panahon kapiling ang ating mga mahal sa buhay.
Marami sa atin ngayon ang nakikipaglaro kasama ang buong pamilya at madalas ay sama-sama ring kumakain ng mga paborito nating pagkain. Kamakailan lamang ay ikinatuwa ng publiko ang muling pagbabalik ng paborito nating lahat na “Lucky Me! Pancit Canton” sa dati nitong maninipis na mga noodles!
Maaalalang naging usap-usapan sa social media noong 2016 ang naging desisyon ng Monde Nissin Philippines na palitan ang manipis at kulot na noodles ng kanilang pancit canton. Maraming sa ating mga kababayan ang hindi nagustuhan ang lasa at hitsura nito noon.
Kung kaya naman nagkaroon pa nga ng online petition upang maibalik ito sa dating manipis nitong hitsura. Makalipas naman ang apat na taon ay dininig na ang panalangin ng publiko. Mayroon na muling maninipis na mga noodles ang paborito nating lahat na “Lucky Me! Pancit Canton”.
Ibinalita ito ng “Lucky Me!” sa kanila mismong official Facebook page. Totoo nga na nagbalik na ang mas manipis na noodles ng pancit canton nila.
Wala namang ipinagbago ang kanilang “packaging” ngunit mayroon lamang nakasulat rito na “thinner noodles.” Ayon din sa ilang mga ulat ang paborito nating umagahan o meryenda na pancit canton ay mabibili lamang ngayon sa buong isla ng Luzon.
Kalamansi flavor lang din muna ang mayroong manipis at klasikong noodles at wala pang ibang mga flavors. Hanggang sa mga oras na ito ay wala pang balita patungkol sa kung magkakaroon pa ng karagdagang flavors ang mga ito.
Kung kaya naman kahit pa maraming mga pagsubok hanggang sa ngayon ay kahit papaano nagiging masaya pa rin ang marami sa atin dahil sa muling pagbabalik ng paborito nating pagkain.

Blog Views

Popular posts from this blog

Are You A Single Parent? Know Your Benefits And Privileges Under The Solo Parent Act of the Philippines

Misis Sinundan Ang Kotse Ng Mister At Nahuli Sa Akto Na Sakay Ang Kanyang Kabit

Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-Limpak Na Pera

Isang Engineer nagbitiw sa kanyang trabaho naging isang Fish Breeder ngayon kumikita ng malaki

Isang Ama, NaKitang Wala Nang Buhay Habang Nagtitinda ng Ice Cream