Mas maraming kalalakihan at overweight people ang mas matinding tinatamaan ng COVID-19


  • Mga lalaki at overweight people mas matinding tinatamaan ng COVID-19
  • Ito ang obserbasyon sa mga emergency rooms sa mga lugar na laganap ang coronavirus disease
  • Kung bakit ganito ay hindi pa sigurado ang mga eksperto
Naobserbahan sa mga emergency rooms sa mga lugar kung saan laganap ang novel coronavirus na mas marami ang mga lalaki kaysa mga babaeng nagkakaroon ng malubhang sintomas ng COVID-19. At ang pagiging overweight ng pasyente ay isang bagay na nakapagpapalala ng sitwasyon.

Kung bakit ganito ay hindi pa sigurado ang mga eksperto.
Ang ganitong pattern na unang naobserbahan sa China ay nakikita rin sa mga pagamutan sa Europe at United States habang patuloy ang pagkalat ng coronavi rus.
“More men than women have serious problems, and patients who are overweight or have previous health problems are at higher risk,” sabi ni Derek Hill, Professor ng Medical Imaging Science sa University College London.
Kinumpirma ito ng Intensive Care National Audit and Research Centre ng Great Britain mula sa datos ng mga COVID-19 patients sa intensive care unit (ICU) – 73 percent ay mga lalaki at 73.4 percent ay kinokonsidera bilang overweight.
Batay sa mga datos na nakalap, ang mga pasyenteng overweight o obese na dinala sa intensive care unit ay mas malamang na hindi makarekober.

Karamihan ng mga pasyente sa mga emergency rooms sa France ay mga obese, ayon kay ICU doctor Matthieu Schmidt ng Pitie-Salpetriere Hospital sa Paris. At 75% ng mga pasyente roon ay mga lalaki.


Ganito rin ang nangyayari sa New York sa Amerika.
“I’m in the emergency room, and it’s remarkable — I’d estimate that 80 percent of the patients being brought in are men. It’s four out of five patients,” pahayag ni Hani Sbitany, isang reconstructive surgeon sa Mount Sinai Health System sa Brooklyn.
Ayon sa ilang eksperto, kung bakit mas marami sa mga lalaki ang matinding tinatamaan ng COVID-19 ay hindi dahil mahina sila, kundi mas malakas lang ang immune system ng mga kababaihan.



Blog Views

Popular posts from this blog

Lumpia Vendor na Kumikita ng P20,000 Kada Linggo Kung Saan ibinahagi ng isang Netizen

Lalaki na Nangangalakal nagbalik ng Malaking halaga na Pera Gantimpala higit pa sa Pera ang katumbas

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Netizen Nag Bigay Babala sa mga Gumagamit ng Glass Stove Dahil Mabilis Itong Mabasag

Isang Daga Ang Nakapasok Sa Isang ATM At Pinagsisira Ang Mga Pera