Bata, Matiyagang Nag-aabang Ng Bibili Ng Kanyang Mga Panindang Kabute Kahit Nag Tirik Ang Araw


Imbes na naglalaro kasama ang ibang mga bata, tinitiis ng 10 taong gulang na batang ito ang mainit na araw sa gilid ng kalsada upang mag-abang ng mga motoristang nais bumili ng kanyang mga panindang kabute. 

Naging parte na ng kabataan ng mga lokal sa Cordillera ang mangolekta ng mga kabute o mushroom na kung tawagin nila ay 'bo-o'. Ito ay mga organic mushrooms na binibili rin ng kanilang kapwa mga lokal dahil sa health benefits na hatid nito.

Kung kaya't ang batang si Jessie Almoza ay matiyagang naghihintay sa gilid ng kalsada na may motoristang dumaan upang bumili ng kanyang mga paninda. Sa unang tingin ay akala mo ay tila isang batang nagpapahinga lang sa maliit na ginawang silong na ito


Ngunit kung maririnig siya ay sinisigaw niya ang kanyang paninda na kung tawagin nila ay "bo-o." Sa kanyang maliit na pwesto ay doon siya naghihintay na may bumili kahit na tirik at mainit ang araw. Ang kanyang munting silong ay nasa kahabaan ng Sitio Camisong, Loacan, Itogon, Benguet.

Habang wala pang pasok sa eskwela dahil sa dulot ng pandemya ay tulong na rin ito ni Jessie sa kanyang pamilya.

Ang mga kinikita ni Jessie sa pagtitinda ng kabute ay kanya ring iniipon sa isang plastic na bote para sa mga gagastusin niya kapag bumalik na siya sa pag-aaral. 

Ang mga magulang niya ay wala namang permanenteng trabaho. Ang tatay nito ay na-istroke at ang kanyang ina at kapatid ay maagang gumigising upang umakyat ng bundok para mangolekta ng mga kabute na siya namang ititinda ni Jessie.


Ito ang pangunahing kabuhayan ng kanilang pamilya. Kung kaya't ganito na rin ka-determinadong magtinda ang grade 4 student na ito. Dahil bukod sa ito ang nakakapagtawid sa kanyang pag-aaral ay ito na rin ang bumubuhay sa kanilang pamilya.

Hinangaan naman ng mga netizens ang pagiging madiskarte at masipag ni Jessie sa murang edad pa lamang. Kahit bata pa lamang siya ay tumutulong na siya sa kanyang pamilya at nag-iipon para na rin sa kanyang kinabukasan.

Blog Views

Popular posts from this blog

Paggamit Ng Pampakulay Ng Buhok, Naging Sanhi Ng Pag-Iba Ng Itsura Ng Bababeng Ito

Netizen, Ibinahagi Ang Kanyang Nadiskubre Para Mapabilis Ang Signal Ng Internet Connection

Hindi isinakay ang isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito na Talagang Kinaglit ng Netizen

Isang Ama, NaKitang Wala Nang Buhay Habang Nagtitinda ng Ice Cream

Lumpia Vendor na Kumikita ng P20,000 Kada Linggo Kung Saan ibinahagi ng isang Netizen