Isang Buntis Na Bride, Biglaang Pumanaw Ilang Sandali Bago Ang Kanilang Kasal


Siguro, ang kasal ay isa na sa mga pinakamasayang pangyayari sa atin dahil maaari na natin makasama habang buhay ang taong gusto natin makasama habang buhay.

Ngunit, kamakailan lamang, ang masaya sanang selebrasyon ng kasal ng mag-nobyong sina Flavio Goncalves at Jessica Guedes na taga-Brazil ay nauwi sa trahedya at malungkot na pangyayari.


Ilang sandali bago lumakad si Guedes na pitong buwang buntis sa altar upang salubungin ang kaniyang magiging asawa, ay pumanaw sa araw mismo ng kasal ng dalawa.

Base sa ulat ng Inquirer, bigla na lamang nawalan ng malay si Guedes sa loob ng isang limousine na kaniyang sinasakyan ilang minuto bago mangyari ang seremonya ng kanilang kasal.

At nang malaman ni Goncalvez ang tunay na nangyari sa kaniyang magiging asawa habang siya ay naghihintay na nang mga panahon na iyon sa harap ng altar, nagmadali siyang pumunta sa kung nasaan si Guedes upang malaman kung ano na ang lagay nito.


Naabutan pa nman ni Goncalvez na buhay pa si Guedes kung saan ibinahagi pa nga nito na masakit na ang likod ng kaniyang leeg.

Nang mga panahon na yon, ang bride ay mayroon pa ding heartbeat, ngunit, idineklara na itong brain d3ad nang sila ay makarating na sa ospital.

Nadiskubre na si Guedes ay mayroong preeclampsia isang disorder na maaaring nakakamatay dahil ito ay posibleng maging dahilan ng strok at nakakapagpataas ng blood pressure.


Ang mga doktor naman, sa kabilang banda, ay sumailalim sa cesarean section para mailigtas ang sanggol na dinadala nito dahil sa pagkakaroon ni Guedes ng internal bleeding.

Makikita din na sobrang saya ng bride habang suot suot nito ang kaniyang wedding gown sa post na ibinahagi ni Goncalvez sa Instagram account.


Ang kanilang anak naman na si baby Sophia ay nasa neonatal intensive care unit pa rin dahil ito ay pinanganak na premature.

Blog Views

Popular posts from this blog

Isang Pulubi Pumanaw nang may Isang Milyong Dollar sa kanyang Bank Account

Nakakalulang Kayamanan Ni Willie Revillame ibinunyag Ng Kanyang Anak Na Si Meryll Soriano

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas.

Ganito pala ang Wais na Teknik upang Hindi Matalsikan ng Mantika Tuwing Nag Piprito