Maliit Na Bahay Kung Titignan Sa Labas Pero Sobrang Gara Sa Loob, May Swimming Pool Pa


Tiyak na madalas nating naririnig ang kasabihan na 'Don't judge a book by its cover'. Dahil kahit maaaring hindi maganda at plain lamang ang disenyo ng panlabas na anyo ng isang bagay, hindi dito nasusukat kung gaano kaganda ang mayroon sa loob nito.

Yan ang napatunayan ng isang 2-storey house na ito. Maaaring sa unang tingin ay plain at boring lamang ang disenyo ng bahay, ginulat naman ng bahay na ito ang marami dahil sa ganda ng disenyo at mga interiors na mayroon sa loob ng bahay.

Ang bahay din ay ginawa lamang sa isang makitid na espasyo kung saan tinatayang nasa 4 metro lamang ang lawak nito at mayroon pa itong bakod sa magkabilang gilid.


Nakakamangha lamang din ang mga architects na gumawa ng bahay na ito dahil nagawa nilang pagandahin ang bahay kahit sa maliit na espasyo lamang.

Ang harap ay maaari pang gumamit ng magagandang interiors, ngunit, tila nais ng may-ari na ang kaniyang bahay ay makahalo o makasama sa disenyo ng bahay ng kaniyang mga kapitbahay. Samakatuwid, ang dalawang magkatabing gusali ay mayroon lamang magkamukhang disenyo ng bahay.

Binase din ng bahay ang disenyo nito sa iba pang bahay na malapit dito, ngunit, naiiba lamang ang entryway ng bahay dahil ito ay mukhang simple at plain lamang ang disenyo. Ang harap ng bahay ay pininturahan lamang ng greyish blur color na mayroon halong puting kulay.



Maging ang wooden door ng bahay ay simple lamang kahit na ang bintana ay nagpapasisilip na ng ganda na mayroon ang loob ng bahay.

Sa likod naman ng bahay, mayroon isang swimming pool na katabi ng isang wooden deck na nakakonekta naman sa entertainment area ng bahay.



Mayroon ding mga halaman sa gilid at malaki at makulay na duyan na nakapagdagdag naman sa ganda at refreshment ng bahay.

Sa loob naman ng bahay, nakakamangha ang ginawa ng mga architects dahil kahit maliit ang space ng bahay nagawa pa rin nilang mapaganda ang mga disenyo at interior nito. Mayroong isang makipot na wooden stairs na papunta naman sa second floor ng bahay.


Mayroon ding isang malaki at komportableng sofa sa sala ng bahay habang ang malaki at makipot na daan ay talaga ding elegante. Maaari ding magkabit pa ng isang flat-screen TV sa ilalim ng hagdan.

Ang mga kwarto naman ay iniligay ng mga architects sa dulo ng bahay. Makikita dito ang mga glass walls sa harap at isang malaking banyo sa likod nito.



Mayroon ding isang built-in cabinet na nagpapahiwalay naman sa banyo at sa higaan.

Blog Views

Popular posts from this blog

Lumpia Vendor na Kumikita ng P20,000 Kada Linggo Kung Saan ibinahagi ng isang Netizen

Lalaki na Nangangalakal nagbalik ng Malaking halaga na Pera Gantimpala higit pa sa Pera ang katumbas

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Netizen Nag Bigay Babala sa mga Gumagamit ng Glass Stove Dahil Mabilis Itong Mabasag

Isang Daga Ang Nakapasok Sa Isang ATM At Pinagsisira Ang Mga Pera