Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda


Nakakalungkot isipin na mayroon pa ring mga matatanda na imbes na nagpapahinga na lang sana sa bahay ay patuloy pa rin silang kumayod at magtrabaho upang sila ay mabuhay. 

Ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Saharat Yean ang isang matanda na kanyang kinaawan nang makita niya itong nagtitinda kahit na hating gabi.

Habang napadaan ang netizen sa Wat Bua Temple sa Ubon Ratchathan sa Thailand, ay nakapukaw sa kanyang atensyon ang mumunting ilaw sa isang maliit na tindahan malapit sa isang tourist spot. Nang makita niya ang isang matanda na mag-isang nagtitinda ay naisipan ni Saharat na huminto muna upang bumili ng makakakain. 

Sa katunayan, hindi naman talaga siya nagugutom, ngunit talaga lang naging agaw atensyon sa kanya ang kalagayan ng matanda. Lalo na pa't hating gabi na pero hindi pa rin sinasarado ng matanda ang kanyang tindahan kahit na wala nang gaanong turistang namamasyal sa lugar na iyon at sa oras na iyon. 


Bahagi ni Saharat,

"I saw a light of a store that was still on at the dark corner of the temple. There, stood an elderly man who's operating the cart. He was sitting by his meatball shop and was awaiting customers to buy his items. So I walked up to him."

Noong nakakwentuhan niya ang matanda ay mas lalong nadurog ang kanyang puso ng malaman niya ang rason kung bakit nagtitinda pa rin siya sa ganitong oras. 

"Saharat: Why are you staying up so late today?

Old Man: It's late night and items are not selling well.

Saharat: What is there left for me to buy?

Old Man: There are still meatballs and steam squid left.

Saharat: [Opens the pot and realizes the whole pot is still full] I'll take these and here's your 20 baht (Php35).., Are you going to sleep soon? Aren't you tired?

Old Man: I'm indeed tired but I have to be patient. If I'm not patient I won't be able to eat."


Sa hirap ng buhay ay kailangan ng matandang vendor na magpuyat para maibenta ang mga natitirang mga tinda dahil kung hindi ay wala siyang ipangkakain. Dahil sa awa ay bumili pa si Saharat ng pagkain kahit na hindi na siya nagugutom para lang makatulong sa matanda. 

Nais ipabatid ng netizen na sana ay mayroong mga taong makatulong sa matanda o kung hindi man ay sana ay lagi tayong tumulong sa ating kapwa anu mang oras.

Blog Views

Popular posts from this blog

Sunshine Cruz sinalag ang bintang na Sinulot sya ni Rayver Cruz kay Cesar Montano

Hindi niya akalain na ang kanyang asawa ngayon ay ang batang babae na bigla niyang hinalikan sa noo 30 years ago

Paggamit Ng Pampakulay Ng Buhok, Naging Sanhi Ng Pag-Iba Ng Itsura Ng Bababeng Ito

Isang ginang na isa sa mga 4Ps beneficiary sa Pinas, isang linggo lang mapagkakasya ang P8,000 para sa kaniyang pamilya?

Isang Engineer nagbitiw sa kanyang trabaho naging isang Fish Breeder ngayon kumikita ng malaki