Nakakapanlumong Makita Ang Mga Nagkalat Na Paninda Ng Isang Balut Vendor Matapos Kumpiskahin Ang Kanyang Kariton


Mayroong napakaraming uri ng mga street vendors dito sa Pilipinas. Mayroong nagtitinda sa kariton, naglalako ng mga kakanin, mga balut vendors at iba pa. Kahit na isang marangal na paghahanap buhay ang pagtitinda, dapat ay sumusunod rin ang ating mga street vendors sa batas ng lipunan. '

Mayroong mga lugar na kung saan ipinagbabawal ang mga street vendors dahil nagiiwan sila ng kalat o di kaya ay nakakantala sila sa normal na operasyon ng lipunan.Ngunit dahil marami ang mga bumibili ay napipilitan silang hindi sumunod sa batas. Tulad na lamang ng isang insidenteng nasaksihan ng isang netizen na ibinahagi niya sa kanyang social media account.


Ang pangyayari ay naganap sa Colon Street sa Cebu City. May mga awtoridad ang dumating at nagsagawa ng clearing operation sa mga kalye at kinumpiska ang mga karito na nakakalat sa high way. 

Naintindihan naman ng netizen na trabaho lamang ng mga awtoridad ang ginawang pag-iimpound ng mga illegal street vendors ngunit nang makita niya na pinupulot ng tindero ang mga nagkalat niyang mga panindang balut ay nalungkot ito.


Ayon sa kanyang caption, sana ay hindi na lang sana umabot sa ganoon ang pangyayari. Maaaring dinaan na lang sana sa maayos na usapan at hindi na kailangan pang tumapon ang mga iba't ibang paninda sa daan.

Na-witness rin daw niya kung paano trinato ang mga street vendors ng mga awtoridad na sana ay nag-usap na lamang sila ng mabuti at saka maayos na kinumpiska ang mga kariton. Hindi na sana pinagtatapon ang mga paninda dahil kung susumahin ay mahal din ang mga iyon.

Hinaing pa ng netizen na marangal na naghahanap buhay si kuya. Alam rin naman daw ng mga illegal street vendors na huhulihin sila ng mga awtoridad pero kailangan lang daw talaga nilang magtinda para may pangkain at mabuhay.


Ang ibang netizens ay nagpahayag rin naman ng samu't saring komento. Narito ang kanilang mga comments.

"Yan diyan sila magaling. naghahanap buhay ng matino yong tao. sana naman kariton lang ang kinuha hindi yong ganyanin ang paninda."

"Sakit naman sa dibdib makita ito nagtatrabaho ng marangal. Kung lumabag man sa batas, warningan ulit. Sana inisip din ng gumawa nito may pamilyang naghihintay sa kita niya."

"Sana kinuha na lang yung kariton at binayaan nalang."

Blog Views

Popular posts from this blog

Bata, Matiyagang Nag-aabang Ng Bibili Ng Kanyang Mga Panindang Kabute Kahit Nag Tirik Ang Araw

Nawawalang Sexy Aktres Noon, Namataang Palaboy Laboy nalang sa Mandaluyong ngayon!

Good Samaritan na Pulis, Viral Matapos Pakyawin ang Panindang Saging ng Isang Lolo

OFW na nag Trabaho sa Saudi ng 12 Years Namatay ng hind Nakikita ang Pamilya sa Pilipinas

May isa nanaman Namatay dahil sa AstraZeneca Vaccine, Sakit Mawalan ng Minamahal sa Buhay