Sino kaya ang Sikat na Singer na ito ma may Malaking Sekreto at Binunyag ni Willie Revillame sa Live


Willie Revillame may malaking pasabog tungkol sa singer na si Janno Gibbs sa bagong episode ng kaniyang game show na “Wowowin”. Sa gitna ng lockdown, patuloy pa din namamahagi ng tulong at kasiyahan si Willie sa kaniyang mga tagahanga at nanood ng kaniyang show online. Madalas din ay nagiimbita siya ng mga special guests na makapagpapasaya sa mga manonood.




Isa ang singer na si Dingdong Avanzado sa mga naging guest ni Willie sa bagong episode ng “Tutok To Win”, isa sa mga segment ng “Wowowin”. Ani Dingdong, “Unang-una sa lahat, happy anniversary sa ‘yo. Five years na pala. Ang bilis ng panahon. It’s such an honor na maging bahagi ng anniversary mo.”
Nagpasalamat din si Willie sa singer at sinabi na matagal na talaga niyang gusto na magkaroon ng mga singer na ang kanta ay madalas na tinatangkilik ng marami, ayon sa ulat mula sa Bandera. Dagdag ng host, “Si Michael Pangilinan, si Bugoy, Richard Reynoso, ang dami pa. Sana nga marami pa tayong ma-imbita rito.”


Tinanong naman ni Willie si Dingdong kung sino ang kaniyang kontemporaryo sa industriya ng musika nang sa gayon ay maimbitihan nila ito na maging guest sa kaniyang show. Binanggit naman ng singer ang kapwa niya OPM singer na si Ariel Rivera at Janno Gibs. Ani Willie, “Ariel, pwede ba? Baka naman pwede Ariel? Halika. Wala pa namang trabaho e, ‘di ba?”
Matapos ang pahayag niya sa game show tungkol kay Ariel, mayroon din siyang naging rebelasyon tungkol kay Janno. Sinabi ng TV host na malaki ang inaasahan niya sa kung ano ang sinabi sa kaniya ng singer. Pagbubunyag ni Willie, “Kung pupunta si Janno, why not. ‘Di ba? E, ang galing kumanta ni Janno, e. Idol din ‘yan. Ano, Janno nu’ng nag-uusap tayo ‘di ka na tumawag. ’Tawagan kita, ge-guest ako sa ‘yo.’ Pero hindi kami natutuloy palagi, e.”


Samantala, isang araw naman makalipas ang pahayag ni Willie, nagbigay naman sa kaniya ng sagot si Janno at sinabing, “Ha-hahaha. Pareng Willie! Meron ka naman number ko. After ECQ tayo pare.”

Blog Views

Popular posts from this blog

Matandang Pilit Pinababa Ng Mga Pasahero Sa Jeep Dahil Sa Amoy Nito May Nakakaiyak Na Kwento

Filipino Driver Nagsauli Ng Bag Na Naglalaman Ng 2 Milyong Piso Sa Isang Foreigner!

Asong Gala Na Sinipa Ng Isang Lalaki, Gumanti Kasama Ang Mga Kaibigan

Netizen, Ibinahagi Ang Kanyang Nadiskubre Para Mapabilis Ang Signal Ng Internet Connection

Nawawalang Sexy Aktres Noon, Namataang Palaboy Laboy nalang sa Mandaluyong ngayon!