Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikretong Kayaman Ni Mister Sa Kanyang Misis


Ayon nga sa isang kasabihan, "walang sikretong di nabubunyag." Minsan nga kahit sa buhay mag-asawa ay di mapipigilang may nakatagong sikreto ang bawat isa.

Ngunit hindi nga sa lahat ng oras ay maitatago ang sikreto. Darating at darating ang panahon na kung saan mayroong makakalam nito at minsan pa ay sa di inaasahang pagkakataon. Katulad na lamang ng isang sitwasyong ito na ang nakapaglabas pa ng sikreto ng mister ay isang alagang pusa!

Isang babae sa bansang Thailand ang naglahad ng kanyang istorya na kung saan ang kanilang alagang pusa ay naibunyag ang tinatagong sikreto ng kanyang mister.


Nakilala ang babae bilang si Bow Kanuengnuch nang ibahagi niya sa kanyang Facebook post ang nangyari. Ayon sa kanya, natagpuan niya ang isang sikretong kahon na puno ng pera na nakalaglag sa sahig sa kanilang bahay. Ang kahon na iyon ay gamit ng kanyang asawa upang doon magtago ng pera. 

Kwento niya na tumalon raw ang kanilang alagang pusa sa cabinet at di sinasadyang naitulak ang kahon na tinatago ng kanyang mister. 

Bago pa nangyari ang insidente ay humihingi raw siya ng pera sa kanyang mister upang pambayad sa mga gastusin sa bahay ngunit ang sabi lang sa kanya ay wala raw itong pera.


Kasama sa kanyang post ay ang larawan ng kanilang pusa na parang walang kamalay-malay sa nangyari habang tinititigan lang ang mga naglaglagan na mga pera sa sahig. Ayon pa sa misis, ang kahon ay mayroong laman na higit sa 2,000 baht o nasa mahigit Php 3,400. At karamihan sa mga ito ay mga tig 100 baht.

Samantala, maraming netizens naman ang natuwa nang dahil sa pusa ay nabunyag ang tinatagong lihim ng mister sa kanyang asawa. 

Hindi naman ginawang issue ng misis ang sikretong ito na tinatago ng kanyang mister sa halip ay natuwa na lang din siya sa nangyari dahil hindi naman lahat ito sinasadya. 

Blog Views

Popular posts from this blog

Matandang Pilit Pinababa Ng Mga Pasahero Sa Jeep Dahil Sa Amoy Nito May Nakakaiyak Na Kwento

Filipino Driver Nagsauli Ng Bag Na Naglalaman Ng 2 Milyong Piso Sa Isang Foreigner!

Asong Gala Na Sinipa Ng Isang Lalaki, Gumanti Kasama Ang Mga Kaibigan

Nawawalang Sexy Aktres Noon, Namataang Palaboy Laboy nalang sa Mandaluyong ngayon!

Mister naglalagay ng Pera sa Pantalon para ganahan Maglaba si Misis Patok sa mga Netizen