Ice Cream Vendor Na May isang Paa Lang Ay Determinadong Kumayod Na Talagang Napahanga Ang Mga Netizens
Napakahirap maghanap buhay lalo na kung ikaw ay may kapansanan. Ngunit dahil sa kahirapan at kagipitan, kahit anong pagsubok ay hahamakin mabuhay lamang ang kanilang sarili lalo na ang kanilang pamilya.
Pinatunayan ng isang ice cream vendor na ito na kahit na siya ay may kapansanan ay hindi ito naging hadlang upang siya ay magtrabaho at kumita ng pera. Sa halip ay nakitaan siya ng determinasyon ng maraming netizens kaya naman marami ang napahanga sa kanyang kasipagan.
Sa post na ibinahagi ng isang Facebook user na si Geri Katigbak Tirona Zamora, makikita ang isang lalaking nagtitinda ng ice cream na may bitbit na ice chest habang ito ay naglalakad sa may Commerce Avenue sa Ayala Alabang.
Huminto ang lalaki upang magpahinga ngunit makalipas ang ilang minuto ay nagpatuloy ito sa paglalakad na tulong ng kanyang saklay at muling naglakad upang magbenta ng ice cream.
Naglagay ng caption si Geri kalakip ng video at sinabing. "Rest if you must but don't you quit."
Makikita na kahit mukhang hirap na hirap ang lalaki ay bakas ang determinasyon nitong makapagbenta at maghanap buhay ng marangal.
Isang netizen naman ang nakausap ni ice cream vendor at ibinahagi ang naging karanasan nito. Nalaman niya na si manong ay kumakayod para buhayin ang kanyang anak na nag-aaral sa elementarya dahil sa kasamaang palad ay iniwan sila ng kaniyang asawa ilang taon na ang nakalipas.
At dahil walang ibang tutulong sa kanila ay nagsusumikap ito na mabigyan ng mabuting kinabukasan ang kanyang anak.
Samantala, marami netizens ang nag-share ng video at nadurog ang kanilang mga puso dahil naawa sila sa sitwasyon ng tindero. Ngunit marami rin ang humanga sa kasipagan ng lalaki. Narito ang ilang pahayag ng mga netizens:
"Ang sakit sa puso na makakita ng ganitong klaseng tao sa kabila ng kapansanan kumakayod para sa pamilya di gaya ng ibang may normal na pangangatawan nakukuhang manakit ng kapwa magkapera lang. God bless you kuya! Salamat sa inspirasyon na dulot mo."
"Yan ang taong may prinsipyo sa buhay. Marangal ang hanapbuhay kahit may kapansanan."