Saad ni Julie Ann sa caption ng kaniyang post:
“Kapatid ko gising ka na daw sabi ng anak mo oh.
”
Ang nasabing larawan ay kaagad namang naging viral sa social media. Marami din sa ating mga netizen ang nahabag at nalungkot matapos makita ang larawan ng bata. Inihayag din ng ilang netizen na maging sila ay nasaktan para sa bata dahil sa murang edad lamang nito ay iniwan na siya ng kaniyang ama.
Samantala, ang ibang netizen naman ay nagpahayag ng kanilang pakikiramay para sa mga naulilang pamilya ng amang namayapa.
Narito ang ilan sa kanilang komento:
“grabe talaga iyak ko, kapag nakakakita nito
Sobrang sakit, maiwan mga minamal sa buhay. condolence sayo baby and sa family mo ”
“condolence po
nakakadurog ng puso napakaliit pa ni baby walang kamuang muang na wala na ang papa nya ”
“Nakakadurog
tingnan yung ng wlang alam n kailan mn d na magigising pa ang kanyang ama.. patatag baby God will guide you always.. Godbles..
Condolence to the family..”
Sa ngayon, umabot na sa mahigit na 24,000 reactions at 18,000 shares ang naturang post.