Pinay Scientist sa London Nagbigay Saloobin Sa Mangyayari Kapag Sumabog ang Bulkang Taal


Pagkalipas ng ilang araw na paglikas ng mga residente sa paligid ng taal volcano at mga dineklarang danger zone, mula alert level 4, ay bumaba na ito sa alert level 3 ng phivolcs, biglang nanahimik ang bulkan at di na halos kasing lakas ang binubugang abo kumpara noong ilang mga araw.
Ngunit, pangamba naman ang naidulot sa mga residente sa biglang pagtahimik nito, kahit na ang iba sa kanila ay lumikas na pabalik sa kani-kanilang tahanan.
Si Mam Mai Jardelezaay taga London na madalas daw nag li-live sa kanyang social media account at nagbibigay ng kanyang obserbasyon at paliwanag ukol sa nangyayari sa bulkang taal.
Makikita sa mga larawan ng aknilang pag-uusap na sinabi ni Mam Mai na ang mga bayan sa Batangas tulad ng Lemery, Agoncillo at San Nicolas ay syang magtatamo ng malaking impak sa pagsabog ng taal, sa kadahilanan na ang caldera daw ay dyan nakapatong sa mga nasabing bayan.Dagdag pa nya na malaki ang magma chamber na nasa ilalim ng Pansipit River.



Sa ngayon sabi ni Mam Mai ay di pa nya masasagot ang mga tanong kung kailan sasabog ang Taal.
Pangamba at takot din ang kanyang nadarama para sa kalagayan ng mga residente na malapit sa bulkan dahil maaring tataas pa ang pressure na pandagdag sa mas maraming magma dahil sa pag antala ng pagsabog nito


Ayon naman kay Lady Ann, kung totoo man o hindi ang mga pinost ni Mam Jardeleza, nawa ito ay maging babala para maging aware ang mga tao sa posibleng mangyari, at wag kalimutang manalangin para sa kaligtasan ng lahat.
Hindi lang si Mam Mai ang may opinyon sa pangyayaring ito, pati si Sir Even Demata ay nagbahagi ng pinsalang maidudulot ng tinatawag “pyroclastic density currents o pyroclastic cloud” at gaano ito kadelikado kapag nanatili ang mga tao sa 14 km Permanent Danger Zone.

Ayon kay Demata, ang pyroclastic density currents ay napakainit na usok, bato at abo na maaaring umabot ng 1,000 °C o kainit ng nagbabagang tanso. Ibig sabihin, lahat ng may buhay, mapa tao man o hayop, kapag nadaanan ng usok na ito ay magiging carbonized fossils o parang isang semento

Mababasa nyo rito ang Post 


Para sa mga nagdadalawang isip na ayaw umalis sa Permanent Danger Zone sa #TaalVolcano. Ito ang maaaring worst-case na mangyayari kapag ikaw ay nasa loob ng 14 km Permanent Danger Zone at madatnan ng pyroclastic density currents o pyroclastic cloud na sinasabi ng PHIVOLCS na maaring magdulot ng kapahamakan kapag tuluyan nang sumabog ang bulkang Taal.
Sinusunog ng buhay ng pyroclastic cloud ang mga buhay na nilalang tulad ng tao at biglaang ginagawa silang carbonized fossils tulad sa larawan sa ibaba na parang senemento.
Ang pyroclastic density currents ay napakabilis na may speed na 100-700 km/ h. Makakatakbo ka pa ba niyan? Ito ay napakainit na usok, bato at abo na mula sa pagsabog ng bulkan na maaring umabot ng 1,000 °C o kainit ng nagbabagang tanso.
Sumunod sa evacuation plan ng awtoridad para sa kaligtasan at kahandaan ng lahat.
Photo Description: The casts of the corpses of a group of human victim of the 79 AD eruption of the Vesuvius, found in the so-called “Garden of the fugitives” in Pompeii, Italy.

Blog Views

Popular posts from this blog

Are You A Single Parent? Know Your Benefits And Privileges Under The Solo Parent Act of the Philippines

Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-Limpak Na Pera

Misis Sinundan Ang Kotse Ng Mister At Nahuli Sa Akto Na Sakay Ang Kanyang Kabit

Isang Engineer nagbitiw sa kanyang trabaho naging isang Fish Breeder ngayon kumikita ng malaki

Isang Ama, NaKitang Wala Nang Buhay Habang Nagtitinda ng Ice Cream