Single Dad naging Usap-usapan sa Social Media matapos nitong mag Damit Pambabae upang makasali ang Anak sa kanilang School Event!


Hindi lingid sa ating kaalaman ang mga okasyon na ginaganap sa paaralan na nagbibigay-pugay sa maraming mga ina, at kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang ama na nagsuot ng bistida na pink at nag-ipi ng pink na ribbon sa buhok upang hindi mapag-iwanan ang kaniyang mga anak sa kawalan nila ng ina.

Kung ang iba ay hinuhusgahan ang ama sa ginawa nito, marami din naman ang pumuri sa ginawa niyang ito para sa kaniyang mga anak.


Ang ama ay nakilala bilang si Chatchai Parn-uthai na dalawang taon nang hiwalay sa kaniyang asawa. Bilang isang single dad, marami siyang mga pinagdaang hirap at pagsubok ngunit hindi niya nalilimutang unahin ang kapakanan ng kaniyang mga anak.

Dahil sa ang kaniyang mga anak lamang ang walang ina, naglakas loob siyang maging “Ina” ng kaniyang mga anak at magbihis babae para sa “Mother’s Day Celebration” para sa okasyon sa kanilang paaralan.


Sa Thailand, ang Mother’s Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Agosto bilang pagpupugay sa kaarawan ng kanilang reyna na si Queen Sirikit, o kilala rin bilang “The Mother of all Thai People”. Kung kaya naman ng ipinagdiwang ito sa paaralan ng kaniyang mga anak ay kinailangan ng mga bata na magkaroon ng ina na kanilang makakasama sa nasabing pagdiriwang sa kanilang eskwelahan.


Ang nasabing larawan at video ay mayroon nang higit sa limang milyong views ilang oras lamang matapos itong ibahagi sa social media. Maraming mga netizen ang humanga at namangha sa ginawang ito ni Chatchai. Hindi lahat ng ama na katulad niya ay kayang magsakrispisyo para sa kaniyang mga anak.

Blog Views

Popular posts from this blog

Bata, Matiyagang Nag-aabang Ng Bibili Ng Kanyang Mga Panindang Kabute Kahit Nag Tirik Ang Araw

Nawawalang Sexy Aktres Noon, Namataang Palaboy Laboy nalang sa Mandaluyong ngayon!

Good Samaritan na Pulis, Viral Matapos Pakyawin ang Panindang Saging ng Isang Lolo

OFW na nag Trabaho sa Saudi ng 12 Years Namatay ng hind Nakikita ang Pamilya sa Pilipinas

May isa nanaman Namatay dahil sa AstraZeneca Vaccine, Sakit Mawalan ng Minamahal sa Buhay