Lalaki Di Makapaniwalang Nakapag-ipon ng 1M Matapos Mag-diet ihinto ang Paninigarilyo at Online games

 


Sa panahon ngayon na dapat ay maging wais tayo sa paghawak ng perang kinikita natin, wag hayaang maubos ito sa mga bisyu, bagkus mas mainam na gawing bisyu ang pag-iipon.

Kaya napamangha na lamang ang mga netizens sa ibinahagi ng isang Pinoy OFW patungkol sa kanyang naipong pera na umabot lang naman sa 1 milyong piso.

Siya ay si Neil Ryan Lorenzo, Ayon kay Neil, umabot rin ng tatlo at kalahating taon bago niya maisipang buksan ang kanyang alkansiya.

Hindi rin nakapaniwala si Neil na dahil sa pag-iwas niya sa sigarilyo, pagdidyeta at pagtigil sa kinahiligang online games ay nakakaipon siya ng isang milyon.



Naging inspirasyon daw ni Neil ang isang Facebook Page na Peso sense, malaki raw ang nai-ambag ng page na ito sa kanyang ipon challenge.

Dahil rin sa pag-iipon, mas natutunan niyang pangalagaan ang kanyang sarili. Mula umano sa bigat na 85 kilos ngayon ay bumaba na ito ng 65 kilos. Natuto na rin siyang kontrolin at itigil ang paglalaro ng online games, bagkus ang perang ginagastos niya sa paglalaro ay hinuhulog nalang sa alkansya.

Sobrang saya ang naramdaman ni Neil, kaya bilang pasasalamat sa kanyang biyaya ay nagpamahagi siya sa mga netizen.



Bago magpasko nitong Disyembre 22 ay nagpa-raffle si Neil sa sinumang nagbahagi at nag-like ng kanyang post.

Narito ang kanyang buong post:


I2 na ipon challenge q 3yrs and half q sya inipon nakita q 2 peso sense nag karoon aq idea sarili q pra mag ipon alam nyo ba ano ginawa q pra dumami ipon ko po inalis q po yosi q nag daet pati games q inalis q sobra laki pla na gagastos q sa yosi pag kain q pati na din games q.
Inalis q lahat dami nag bago sa kalusugan q 21yrs bago q stop pag yo2si q 85k aq dati now 75k nalang timbang q db naka ipon na aq na alis q pa bisyo q salamat sa pesonsense ikw dahilan kya nagawa q 2 salamat lord sa pamilya q.. Sana maka 2long sa inyo lahat pano ba tlga mag ipon. Guys bi2gay po aq blessing sa inipon q paki share nalang po at like mag share makaka sali po sa raffle q sa dec 22 8pm po mag start raffle q. tatlo po mananalo ng 500sr katubas 6500php pra po sa pasko pang dagdag sa handa malalaman nyo po cno manalo sa dec 23 8am ppm q po mananalo d po pwde dummy account manalo dummy dq po d q po bi2gay prize nyo. Naipon q pala 75400k riyal + 2700peso total po sa pera natin 1million mahigit po sobra happy talaga aq d q akalain sobra laki pala na ipon q…. At pag uwi q bi2gay po aq church nanay q po at mag iikot pra sa mga pulubi pra kht papaano ma bigyan q cla. Konti pag kain pra sa pasko salamat po sa lahat iloveu guys.



Marami ang na inspire din sa nagawa ni Neil, kung kaya niya tiyak makakaya din ng iba , kahit di na ganyan kalaki basta may ipon at makaiwas pa sa mga bisyo

Blog Views

Popular posts from this blog

Isang Pulubi Pumanaw nang may Isang Milyong Dollar sa kanyang Bank Account

Nakakalulang Kayamanan Ni Willie Revillame ibinunyag Ng Kanyang Anak Na Si Meryll Soriano

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas.

Ganito pala ang Wais na Teknik upang Hindi Matalsikan ng Mantika Tuwing Nag Piprito