Willie Revillame, Ipinakilala Na Ang Nag-iisa Niyang Anak Na Lalaki Sa Publiko

 


Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na marami na ding mga babae ang nakarelasyon ng multi-millionaire at tanyag na TV host na si Willie Revillame na nagresulta ng apat na kahanga-hangang mga bata.


Ang actress na si Meryl Soriano ay ang panganay na anak ni Willie sa kapatid ni Diamond Star Maricel Soriano na si Becbec.


Ang tatlo namang natitira ay anak niya mula sa tatlong iba’t ibang babae. Ito ay sina Louise Anne, Marimonte, at Juan Emmanuel.


Si Juan Emmanuel naman ay ang bunsong anak ni Willie sa kaniyang dating asawa na model na si Liz Almoro.


At akamakailan lamang nga ay ipinakilala na ni Willie sa publiko si Juan Emmanuel na tinatawag niya din na “Whammy”. Ito ay nangyari sa kaniyang afternoon show na “Wowowin.”



Ani ng TV host at ipinakita ang nag-iisang anak na lalaki sa camera,


“At siyempre ang aking bunso, ang nag-iisa kong anak na lalake. Si Juamee Revillame.”


Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ni Liz si Whammy ngunit pinapayagan naman niyang bisitahin ni Willie ang kanilang anak sa tuwing siya ay mayroong oras.



Sa isang panayam sa Philippine Daily Inquirer, sinabi ng TV host na sinabi niya sa panganay na anak na si Meryll na alagaan ang kaniya pang tatlong kapatid pagdatin sa kaniyang pinansyal na responsibilidad sa mga ito.


Sinabi naman ni Willie na siniguro na niyang naihanda na niya lahat ng kailangan ng kaniyang mga anak, lalo na ang mga bagay na kailangan nila sa hinaharap.



Aniya,


“Everything has to be divided equally. I want to be fair to all of them.”


Dagdag pa niya,


“I cannot neglect them. They’re my flesh and blood.”


Inamin din ng “Wowowin” host na madalang siyang magkaroon ng oras para sa kaniyang mga anak dahil sa kaniyang busy schedule ngunit nanabik pa din ang Kapuso star sa pagkakataon na magkaroon siya ng mga bonding moments sa kaniyang mga anak.



“I hope one day soon to spend time with all of them—maybe for one whole week. We could go sailing on my yacht, or I could take them to Macau or to the United States.”

Blog Views

Popular posts from this blog

Isang Pulubi Pumanaw nang may Isang Milyong Dollar sa kanyang Bank Account

Nakakalulang Kayamanan Ni Willie Revillame ibinunyag Ng Kanyang Anak Na Si Meryll Soriano

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas.

Ganito pala ang Wais na Teknik upang Hindi Matalsikan ng Mantika Tuwing Nag Piprito