Aso, Nakitang Umiiyak Habang Nag-Aagaw Buhay Matapos Lasunin Ng Mga Magnanakaw
Ano mang alagang hayop ay siyang maituturing na pamilya kung saan ito ay nagdadala ng kasiyahan sa tahanan. Ang ibang alagang hayop
Ano mang alagang hayop ay siyang maituturing na pamilya kung saan ito ay nagdadala ng kasiyahan sa tahanan. Ang ibang alagang hayop naman ang siyang nagsisilbing gabay kapag tayo ay wala sa bahay at kapag tayo ay mahimbing na natutulog tuwing gabi.
Tinatawag na "man's best friend" ang mga alagang aso dahil ito ay nagdadala ng kasiyahan at tunay na tapat sa kanyang mga amo.
Sila rin ang nagbabantay tuwing gabi kapag tayo ay natutulog at kapag tayo ay umaalis sa bahay.
Isang aso sa Indonesia ang nag papatunay kung gaano niya kamahal ang kanyang amo sa pag babantay ng bahay nila kung saan ito rin ang naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Ayun sa Goodtimes, ang aso ni Wijaya ay walang tigil na tumatahol na may nais itong imungkahi sa kanya, ngunit hindi ito pinansin ni Wijaya dahil baka raw ay may kaaway lang ito na ibang aso o di naman kaya ay pusa.
Kinaumagahan laking gulat ni Wijaya na wala ng buhay ang alaga niyang aso. Ayun pa sa kanya, malamang ay pinoison ng sino mang gustong magnakaw sa kanilang bahay kaya tahol ng tahol ang kanyang aso dahil sa pagproprotekta nito sa bahay nila.
Hindi naman akalain ni Wijaya na iyon pala ang dahilan kung bakit walang tigil na tumatahol ang kanyang aso.
Nais naman sanang dalhin ni Wijaya sa malapit na vet ang aso nito ngunit sa ganong araw ay sirado ang clinic na pagdadalhan niya.
Malungkot man ang sinapit ng kanyang aso, hindi malilimutan ni Wijaya ang kabutihang dala ng kanyang aso hanggang sa huli nitong sandali.