Isang ginang na isa sa mga 4Ps beneficiary sa Pinas, isang linggo lang mapagkakasya ang P8,000 para sa kaniyang pamilya?
Sa panahon ng krisis at kagipitan, mabuti na lamang at kahit papaano ay mayroon pa ring mga tao, pangpubliko at mga pribadong sektor na tumutulong at sumuporta sa ating mga simple o ordinaryong mamamayan lamang. Dahil sa ipinanukalang enhanced community quarantine ng ating Pangulong Duterte nitong Marso ay maraming mga manggagawa at negosyong naapektuhan.
Pangsamantala kasing ipinasara ang ilang mga negosyo at establisyemento upang hindi na maging dahilan pa ng publiko na umalis ng kanilang mga tahanan at magkaroon pa ng mas malaking tyansa o pagkakataon na mas mahawa ang marami at tuluyang lumobo ang bilang nang mga nagkakasakit ng COVID-19 sa ating bansa.
Kahit pa nga sobrang hirap ng buhay sa ngayon at talaga namang napakalaking problema para sa marami ang kanilang mga pang-araw araw na pagkain ay patuloy pa ring nag-aabot ng tulong ang ating lokal na pamahalaan at ang mga taong may busilak na puso na nagnanais na makatulong sa kanilang mga kapwa Pilipino.
Gayundin naman ay hindi rin nagsasawang gumabay ay sumuporta ang ating pamahalaan dahil sa kamakailan lamang ay unti-unti nang naipapamahagi sa publiko ang P5,000 hanggang P8,000 na Social Amelioration Program o karagdagang tulong pinansyal para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Ngunit nakakalungkot isipin na mayroong ilang mga Pilipino na tila nagiging sobra na ang kanilang pagdepende sa gobyerno at sa mga buwis na nagmula sa maraming mga masisipag na manggagawang Pinoy.
Talaga namang nag-init ang ulo ng maraming mga netizens dahil sa isang ginang na ito na ayon sa kaniya mismong panayam ay hindi daw talaga magkakasya ang P8,000 para sa kaniyang malaking pamilya.
Dagdag pa nito ay isang linggo lamang ang aabutin ng perang ito na tulong ng pamahalaan para sa mga pamilyang Pilipino na hikahos sa buhay at labis na naapektuhan ng krisis na ating kinakaharap sa ngayon.
Tunay nga na tungkulin ng gobyernong tulungan ang kaniyang mga mamamayan sa ganitong panahon. Ngunit hindi ba mas mabuting magpasalamat sa mga biyaya at pagpapala na natatanggap natin, kaysa magreklamo at maging mapaghangad pa ng mas marami o mas malaki.
Ayon sa ilang mga ulat ay benepisyaryo ng 4Ps o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ito ay isang “conditional cash transfer program” ng gobyerno para sa mga maralitang pamilya sa bansa.