Isang matandang lalaki na nagbahay-bahay at namimigay ng mga biskwit sa kabila ng nakakatakot na pagkalat ng COVID-19, labis na hinangaan ng publiko!


Sa panahon ngayon na kabi-kabila ang mga hindi magagandang balita sa ating bayan. Tulad na lamang ng patuloy na paglobo ng bilang ng mga nagpopositibo sa sakit na COVID-19.


Bukod sa takot at pangamba ay hindi rin maikukubli ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nagugutom at naghihirap sa ngayon dahil sa labis ding apektado ng krisis na ito ang ating ekonomiya. Ngunit sa kabila ng mga hindi magagandang balita na ito ay mayroon pa ring iilan na talaga namang handang tumulong sa kanilang kapwa Pilipino sa abot ng kanilang makakaya.


Sikat man na personalidad o kahit simpleng mamamayan ay hindi nagdadalawang-isip na patuloy na mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan ngayon mas matindi pa ang kinakaharapan nating pagsubok. Kamakailan lamang ay labis na hinangaan ng publiko ang viral post na ito ng isang netizen na nakilala bilang si Ter Dee mula sa larawang orihinal na kuha ng isa ring netizen na si Rommel.
Sa kaniyang viral post ay makikita ang isang matandang lalaki na nakasuot ng face mask na mayroong dala-dalang maliit na lalagyan ng mga biskwit. Talaga namang namangha ang publiko dahil sa ginawang ito ng matandang lalaki.


Kahit pa mga matatanda ang mas delikado sa panahon ng COVID-19 sa ngayon ay hindi nag-atubili na tumulong ang matandang ito sa kaniyang mga kapitbahay. Umani ng maraming mga positibong komento at reaksyon mula sa publiko ang nakakamanghang hakbang na ito ng matandang lalaki sa kabila ng banta ng nakakahawang sakit.
Tunay nga na walang maliit o malaking pagtulong lalo na kung taos sa puso ang iyong gagawing pagtulong. Mas importante ang intensyon at laman ng puso kaysa sa laki ng halaga o presyo ng isang bagay na nais nating ibahagi sa ating kapwa.
Sa krisis na ating dinaranas sa ngayon ay mas mabuti nang maging responsable, disiplinado, at maingat sa ngayon ngunit huwag din namang kakalimutan na magmalasakit at tumulong sa kapwa.

Blog Views

Popular posts from this blog

Matandang Tindero naiyak na lang ng malamang pekeng pera ang binayad sa kanya at hindi makabili ng gamot

Netizen, Ibinahagi Ang Kanyang Nadiskubre Para Mapabilis Ang Signal Ng Internet Connection

Mag-asawa na Tumira sa Loob ng Imburnal na Halos 22 Years Netizens Nagulat nang Makita ang Loob nito

Kawawang Tindero Ng Lemon, Niloko At Binayaran Ng Pekeng Isang Libong Piso

LOOK: Scary Moment ngayon para sa Bagyong Ulysses