Ex-GF Ng Groom, Pumunta Sa Mismong Kasal Na Nakasuot Din Ng Wedding Gown, Bride Nagulantang


Ang mga kameraman ng sandaling iyon ay naging abala din upang makunan ang lahat ng anggulo sa kasalang nagaganap.


Ang pag-iibigan ay normal sa isang dalaga at binata.  Sa panahong ito sila ay bumubuo ng mga pangarap para sa kanilang dalawa, kinikilala ang bawat isa at nagpaplano ng magagandang mangyayari sa buhay. Pero bago nila ito magawa, isang bagay ang dapat nilang gawin...ang magpakasal.

Kapag kasal na kasi, lahat ng kanilang pangarap na magkasama ng legal sa batas at sa mata ng Dios. Dito magkakaroon ng preparasyon para sa maayos na kasal na kanilang pangarap. Sila ay magiging abala sa maraming bagay na kailangang ihanda para sa espesiyal na araw ng kanilang kasal.

Ngunit hindi ito ang nangyari sa isang kasalan sa bansang China.


Maaliwalas ang panahon na animo'y nakisama sa kasalang magaganap. Dumating na ang mga panauhin sa simbahan, ang groom na bakas sa mukha ang kasiyahan. Ilang sandali pa isang kotseng puti na may gayak na pumpon ng bulaklak ang huminto.  Bumukas ang pintuan ng sasakyan at banayad na bumaba ang bride na nakangiti.  

Doon nagumpisa na ang pagpasok sa loob ng simbahan. Sa altar ay naroon na ang Pari na naghihintay sa mga ikakasal. Ang lahat lahat ay excited na sa gaganaping seremonya.


Ang mga kameraman ng sandaling iyon ay naging abala din upang makunan ang lahat ng anggulo sa kasalang nagaganap.  
Sinimulan ng Pari ang banal na seremonya sa kasalan hanggang sa magpalitan ng "I do's " ang mga ikinakasal.


Nang sumapit ang ang sandali na sabihin ng Pari sa groom na "You may now kiss the bride" ang lahat ay nag-aabang at nakatutok ang pansin sa susunod na mangyayari. Subalit biglang mauwi ang atensiyon ng lahat sa mabilis na pagpasok ng isang babaing nakasuot din ng puting gown deretso sa dalawang ikinakasal at doon mabilis na hinawakan sa kamay ang groom at umiiyak na nagsorry at nagwika na "it's may fault".
Panay ang paliwang ng babae sa groom habang siya'y umiiyak.


Labis na nagulantang ang bride sa bilis ng pangyayari. Ang groom naman na naguguluhan ay panay ang paliwanag sa bride na sa sobrang sama ng loob ay pinili na lamang manahimik at humakbang na palayo. Kaagad namang hinabol ng groom ang bride habang palabas ng simbahan.
Marami ang sumuporta sa bride at umunawa sa naganap na pangyayari. Habang wala ni isa mang lumapit sa umiiyak na ex-girlfriend. Walang sinuman ang natuwa sa kanyang ginawang iskandalo at pagsira sa maayos at masayang kasalang ginaganap. 

Blog Views

Popular posts from this blog

Bata, Matiyagang Nag-aabang Ng Bibili Ng Kanyang Mga Panindang Kabute Kahit Nag Tirik Ang Araw

Nawawalang Sexy Aktres Noon, Namataang Palaboy Laboy nalang sa Mandaluyong ngayon!

Good Samaritan na Pulis, Viral Matapos Pakyawin ang Panindang Saging ng Isang Lolo

OFW na nag Trabaho sa Saudi ng 12 Years Namatay ng hind Nakikita ang Pamilya sa Pilipinas

May isa nanaman Namatay dahil sa AstraZeneca Vaccine, Sakit Mawalan ng Minamahal sa Buhay