Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay
Hindi lamang dito sa Pilipinas makakita ng mga thrift shops o mas kilala bilang ukay-ukay. Sa katunayan, maging sa ibang mga bansa ay mayroong din mga ganitong klaseng mga tindahan.
Isa sa mga rason kung bakit dumarami na ang mga ukay-ukay na tindahan ay dahil bukod sa mura na ang mga bilihin ay ang iba sa mga ito tulad ng mga damit, sapatos, at bag ay hindi pa naman masyado o hindi pa nagamit. Kaya naman talagang suswertihin ka kung matiyaga ka lamang maghanap ng mga bagay na "great finds."
Tulad na lamang ng isang napakaswerteng 29-taong gulang na lalaki na nagngangalang Wan Mohamad Adam Wan Mohamed na mayroong planong magtayo ng kanyang sariling ukayan sa Kampung Tualang Salak, Kelantan sa Malaysia. Kaya naman siya ay pumunta sa isang warehouse at namili ng mga damit na nasa halagang RM 100 (1,200 Pesos) na galing sa ukay-ukay.
Ilang buwan na rin niyang ginagawa ang pamimili sa mga warehouse para sa preparasyon ng kanyang bubuksan na ukayan. At siya na rin mismo ang nagso-sort ng kanyang mga nabibiling mga damit.
Ngunit itong kanyang mga huling nabiling mga damit, ay tila nasungkit niya ang jackpot dahil ang isa sa mga damit ay naglalaman ng isang makapal na wallet sa loob ng bulsa!
Nang buksan niya ang itim na pitaka, laking gulat niya dahil ito ay naglalaman ito ng mga bundles ng pera na nasa halagang RM 16,800 o higit sa 200,000 Pesos!
Sa loob ng pitaka ay walang nakalagay na identification ng may-ari nito, ngunit hinala ni Wan Mohamad na galing ito sa Japan dahil ang mga salapi o currency nito ay Japanese Yen.
Matapos nito ay pinapalit ni Wan Mohamad ang mga pera sa kanilang local currency upang magamit ang mga ito.
Ayon sa kanya, laking gulat niya sa pagkakatagpo ng ganitong kalaking pera. At ang perang nakuha niya ay gagamitin na lamang niya sa pagpapalago ng kanyang magiging negosyo.