Kawawang Tindero Ng Binatog, Matapos Siyang Masagi Ng Isang Tricycle Ay Iniwan Lamang Ito At Nasayang Ang Paninda


Ang paglalako ng mga paninda tulad ng pagbebenta ng binatog ay isang marangal na trabaho. Ang mga vendor na ito ay araw-araw na kumakayod, pumapadyak ng kanilang bisikleta at tinitiis ang init ng araw maibenta lamang ang kanilang paninda at kumita ng pera. 

Alam naman natin na hindi madaling maghanap buhay lalo na pa kung ang kinikita mo kada araw ay sapat lamang para sa araw na iyon. Malamang pamilyar rin ang mga katagang 'isang kahig, isang tuka' kaya para sa isang taong doble kung kumayod para may ipangtustos lang sa pamilya, ay malaking bagay na ang kanyang kinikita kahit na ito ay maliit lamang para sa kanila. 


Maraming netizens ang nahabag at nanlumo matapos makita ang isang binatog vendor na nagkalat ang paninda dahil nasagi siya ng isang tricycle. Ibinahagi ito ng isang netizen na nakasaksi sa nasabing pangyayari.

Nakilala ang matandang vendor na si Alfredo Viernes na taga Sta. Cruz, Manila. Magsisimula pa lamang sana siya na magbenta ng kanyang mga paninda ng bunggu!n siya ng isang tricycle kaya naman nahulog ang kanyang mga paninda at nagkalat sa daan.


Sa nangyari ay hindi man lamang huminto ang tricycle driver upang tulungan siya dahil kasalanan naman niya o kaya ay sana ay binayaran ang mga nasayang na paninda sa halip ay tinakasan pa ang kawawang matanda.

Ayon pa sa post, habang ang matanda ay nag-aayos ng nagkalat na paninda ay sinalisihan pa siya at kinuha pa ang kanyang cellphone ng mga nakiki-usyoso sa pangyayari.


Mayroong mga ilang netizens na tumulong upang hakutin ang mga natapon na paninda ngunit nakakapanlumo lamang dahil hindi na ito maibebenta. Tila nabagsakan ng kamalasan ang sinapit ng matanda dahil ang kikitain sana niya sa araw na iyon ay nawala na lamang ng basta-basta at nadukutan pa siya ng telepono.

Marami talagang mga taong masasama at mapagsamantala, kaya naman ang mabuting gawin na lamang ay magdasal at mag-ingat.

Blog Views

Popular posts from this blog

Inubos ng Milyonaryong ito Lahat ng kaniyang Pera at Ari-arian upang ipamigay sa mga Nangangailangan

Isang Sikat Na Aktres Ginulat Ang Publiko Sa Kanyang Pagpanaw Na Hindi Inasahan Ng Lahat

Kris Aquino, Ginulat Ang Marami Matapos ibunyag ang Kanyang Kalagayan Ngayon

Sino kaya ang Dating Aktres na ito na Nag Titinda na Lamang ng mga Tuyo at Dilis ngayon

Isang Mister, Ipinamigay ang Asawa Niya sa Ibang Lalaki Dahil sa Kahirapan ng Buhay!