Mister naglalagay ng Pera sa Pantalon para ganahan Maglaba si Misis Patok sa mga Netizen


Pagdating sa paglalaba, eksperto at wala ng makakatalo pa sa pagiging malinis diyan ni nanay.
Ang paglalaba ay hindi nga naman madali dahil bukod sa masakit sa kamay at likod, maaari ring magkasugat-sugat ang mga kamay lalo na kung maraming labahin.
Alam na alam ito ni Marvien Cascato kung gaano kahirap ang paglalaba. Kaya naman may naisip siyang ideya upang ganahan ang kanyang misis sa paglalaba.
Naisipan ni Marvien na lagyan ng pera ang bulsa ng kanyang pantalon upang kapag naglaba ang kanyang misis ay matuwa ito.

Photo courtesy: Marvien Cascato /Facebook
Nag-viral ang naturang post ni Marvien na ikinatuwa ng mga netizen. Maganda umano ang kanyang ideya para hindi na magreklamo ang mga misis habang naglalaba.
Saad pa ni Marvien, iniiwan niya ang pera upang matuwa ang kanyang misis at may pang merienda ito.

Basahin ang kanyang post:
Pls lang’ tayong mga husband kunting pag unawa naman sa asawa natin hindi biro ang maglaba kaya dapat ma isip nyo naman na tirhan nyo man lang nang kahit kunting pera sa bulsa nyo para naman sa bawat paglaba nila ay ma surprice at makabili nang pang snack’ isipin nyo na sa bawat perang binilin nyo sa bulsa ay nakapag papasaya kayo.
#MAHALINANGASAWA
#WAGGAWINGLABANDERA
Ibinahagi rin niya ang mga larawan kung saan ma perang P550 sa bulsa ng kanyang pantalon.



Photo courtesy: Marvien Cascato /Facebook
Hinikayat ni Marvien na tularan ito ng mga mister upang makapagbigay sila ng kasiyahan sa kanilang asawa.
Hindi madali ang pagiging maybahay dahil bukod na sila lang ang naiiwan sa bahay ay responsibilidad rin nilang pangalagaan ang bahay pati na rin ang kanilang pamilya.
Kaya maari lang kahit paminsan-minsan ay pasiyahin rin natin sila.
Dahil sa kabila ng lahat ng pagod, ay hindi mapapawi na pag-ibig ng mga ina para sa kanilang mga anak at asawa na higit sa kung ano man ang mga pagsubok na dumating.

Blog Views

Popular posts from this blog

Bata, Matiyagang Nag-aabang Ng Bibili Ng Kanyang Mga Panindang Kabute Kahit Nag Tirik Ang Araw

Nawawalang Sexy Aktres Noon, Namataang Palaboy Laboy nalang sa Mandaluyong ngayon!

Good Samaritan na Pulis, Viral Matapos Pakyawin ang Panindang Saging ng Isang Lolo

OFW na nag Trabaho sa Saudi ng 12 Years Namatay ng hind Nakikita ang Pamilya sa Pilipinas

May isa nanaman Namatay dahil sa AstraZeneca Vaccine, Sakit Mawalan ng Minamahal sa Buhay