Netizen Nag Bigay Babala sa mga Gumagamit ng Glass Stove Dahil Mabilis Itong Mabasag


Ang pagkakaroon ng maayos at ligtas na lutuan sa bahay ay napakaimportante dahil kung hindi maaaring pagmulan ito ng sunog at kung ano pang pangyayari. Dapat ay laging tinitiyak na walang leak, butas, o sira ang mga kagamitang ito maging ang kanilang mga spare parts sa loob upang masigurado na ito ay safe gamitin. 

Isang netizen na nakilala bilang Mutya Javier ang nagbahagi ng isang nakaka-alarmang pangyayari tungkol sa pagkabasag ng kanilang glass top na stove. Dahil dito, siya rin ay nagbigay ng babala sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng ganitong klaseng lutuan.


Narito ang kanyang post,

Babala!

Kanina habang nagiinit ng tubig si nanay bigla na lang pumutok ang kalan reason kung bakit nagkabasag basag ang glass top ng kalan. Mabuti na lang wala si nanay sa harap ng kalan. Thank God! Hindi namin alam kung bakit nagkaganon.

Hindi naman daw umapoy ng malaki yung kalan, basta may narinig kami pumutok tapos yan na yung nakita namin. Hindi kaya masyado na gamit na gamit yung kalan? Lalo na kahapon maghapon naka-on dahil sa dami ng niluto? (Fiesta) I'm not sure pero 4 years na rin kase namin gamit to, ngayon lang namin naexperience to. Maayos naman ang connection ng hose.
Nakakatako! Hindi rin pala safe to.

I'm posting this foor your info na ganitong klase ang gamit na stove. Ingat ingat po. Be safe everyone!
By the way sa mga nagtatanong, KYOWA po ang brand ng kalan."



Makikita sa larawan ang mga bubog sa nabasag na kalan at tanging metal frame ng stove na lamang ang natira. Hindi rin matukoy ng netizen kung ano ba ang talagang sanhi ng pagputok at pagkabasag ng kanilang kalan.

Ngunit ayon sa isang netizen, dapat ang mga ganitong klaseng kitchen appliances ay heatproof. Maaaring mababang kalidad ang ginamit na glass para rito o di kaya ay may defect talaga ang mismong produkto kaya ganito ang sinapit.

Kaya naman para sa publiko ay dagdag ingat lamang at tiyaking ligtas ang lahat ng mga appliances na ginagamit sa bahay.

Blog Views

Popular posts from this blog

Bata, Matiyagang Nag-aabang Ng Bibili Ng Kanyang Mga Panindang Kabute Kahit Nag Tirik Ang Araw

Nawawalang Sexy Aktres Noon, Namataang Palaboy Laboy nalang sa Mandaluyong ngayon!

Good Samaritan na Pulis, Viral Matapos Pakyawin ang Panindang Saging ng Isang Lolo

OFW na nag Trabaho sa Saudi ng 12 Years Namatay ng hind Nakikita ang Pamilya sa Pilipinas

May isa nanaman Namatay dahil sa AstraZeneca Vaccine, Sakit Mawalan ng Minamahal sa Buhay