Isang ina ibinenta ang kambal na anak upang makabili ng bagong cellphone para sa kanyang luho
Madaming mga babae ang naghahangad na magkaroon ng isang supling na galing mismo sa kanila.
Ngunit kay sakit lamang sa puso na makita ang mga balitang itinapon, ibinenta o ipinamigay ang kanilang mga sariling anak.
Ang luho ay napag iipunan. Kinakailangan mo munang kumita ng pera. Bukod pa doon, hindi iyon ang una mong prayoridad lalo na kung isa ka nang ina.
Ngunit ang isang ginang na ito ay nasikmurang ipag bili ang kaniyang kambal na anak para lamang makabili ng bagong cellphone!
Ang ginang ay nakilala sakaniyang apelido na Ma mula sa Cixi City, Zheijang Province, China.
Siya ay maagang nag buntis at kasalukuyan pa lamang 20 taong gulang kaya naman may galit pa din sa kaniya ang kaniyang magulang dahil sa pagiging iresponsable nito.
Ibinenta niya ang kaniyang kambal na lalaking anak sa magkaibang presyo pa. Ang una ay ibinenta niya ng 45,000 yuan o Php 316,370 at ang isa naman ay 20,000 yuan o Php 140,609.
Ang dahilan kung bakit niya nagawa itong ibenta ay upang mabayaran ang kaniyang utang sa kaniyang credit card. Ngunit sobra sobra pa iyon kaya nagawa niya ding makabili ng branded at bagong cellphone.
Samantala ang ama ng kaniyang mga anak na si Wu Nan ay bigla na lamang nagparamdam ksy Ma nang nalamang ibinenta ang kanilang kambal na anak.
Hindi para awayin sa ginawa ni Ma kung hindi para manghingi ng pera pambayad sa mga utang nito sa sugal.
Iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya nasustentuhan ang kaniyang mag iina pagkat nabaon ito sa utang sa sugal.
Hindi ito pinalagpas ng mga otoridad at agad hinanap at inaresto ang mga walang konsensyang magulang na nagawang ipagbili ang kanilang mga anak para lamang sa sariling luho.
Natagpuan din ang mga mag- asawang bumili sa kambal. ngayon ay nasa pangangalaga na ng magulang ni Ma ang kambal ngunit sa kasamaang palad, ang perang ipinambili sa kambal ay nagastos na nila Ma at Wu Nan.