Nakakalulang Kayamanan Ni Willie Revillame ibinunyag Ng Kanyang Anak Na Si Meryll Soriano

 


Kahanga-hanga ang taglay na kayamanan ng mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz, na maging ang kanilang mga anak ay natatamasa at na-eenjoy ang pagkakaroon ng magandang buhay.


Ngunit, sa kabila ng karangyaang taglay nila nananatili pa rin silang mapagkumbaba at pinapahalagahan ang kayamanang taglay ng kanilang mga magulang.



Kagaya na lamang ni Meryll Soriano na sa kabila ng kayamanang taglay ng kanyang ama na si Willie Revillame ay hindi lumaking spoiled, kundi napalaki ng maayos ng kanyang mga magulang.

Kagaya na lamang ni Meryll Soriano na sa kabila ng kayamanang taglay ng kanyang ama na si Willie Revillame ay hindi lumaking spoiled, kundi napalaki ng maayos ng kanyang mga magulang.



Ang ama niyang si Willie ay isa sa mga tinitingala at hinahangaan sa mundo ng showbiz, at isa rin sa pinakamayamang artista sa industriya. Nagmula si Kuya Wil sa mahirap na pamilya, kaya naman higit siyang nagsumikap upang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Sa kanyang sipag, tiyaga at taglay na talento naging matagumpay siya sa kanyang karera bilang artista at iba pang mga negosyo. Hindi naman nagtagal bilang artista, ay naging ganap na siyang host sa game show, at nakilala na nga ng lahat bilang si Kuya Wil.



Matapos maranasan ang hirap at pagsubok sa buhay, ngayon nga ay matagumpay na si Kuya Wil na kung saan ay nakapagpundar na ng mga ari-arian. Ang 58 taong gulang na host ay makikita ang kaginhawaan ng kanyang buhay dahil bukod sa bahay, lupa at kotse niyang naipundar, mayroon rin siyang mga negosyo at business collaboration. Sa katunayan nga nito, noong 2018 ay naitalang mahigit $25 million o tinatayang Php 1.3 Billion ang net worth ng “Wowowin Host”.



Ang kayamanan at marangyang pamumuhay na ito ni Kuya Wil ay nasaksihan ng kanyang anak na si Meryll Soriano na isang aktres. Ngunit, hindi pa pala natatapos dito ang kayamanan ng kanyang ama dahil sa isang interview sa aktres may ibinunyag ito.


Ayon sa aktres, may pinakamahal umanong bagay na binili si Kuya Wil. Bukod sa mga luxury cars na gamit ng kanyang ama, mayroon rin umano itong sariling eroplano na siyang pinakamahal na binili ng kanyang ama.


Ngunit, bukod pa sa luxury cars at eroplano ay may chopper din ang kanyang ama. Hindi rin mawawala ang mga naglalakihang negosyo ng kanyang ama, at marami ring properties sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas. Kagaya na lamang ng resthouse sa Tagaytay. Ang Wil Tower naman na matatagpuan sa Quezon City ay pagmamay-ari rin ng kanyang amang si Willie. Pagdating naman sa negosyo, business partner umano nito ang ex-senator na si Manny Villar na isa ring pinakamayaman sa bansa.



Nagkwento naman ang aktres ng isang nakakatuwang pangyayari kung saan ay humiram siya sa kanyang ama ng pickup car, ngunit imbes na pahiramin ay kinausap siya nito na makipagkita na lamang at sabay silang nagtungo sa isang sikat na car store upang bilhan siya ng bagong sasakyan.


Ngunit sa kabila ng marangyang pamumuhay nila, hindi lumaking spoiled si Merylll kundi tinuruan siya ng kanyang ama ng kahalagahan ng pagsisikap at diskarte sa buhay. Kaya naman, talagang namana rin niya ang sipag at husay ng ama sa pagnenegosyo at ngayon nga ay may sarili ng business si Meryll, kung saan nasa larangan ng design firms. Ngunit, patuloy pa rin naman siyang nakakatanggap ng allowance mula sa kanyang ama.

Blog Views

Popular posts from this blog

Isang Pulubi Pumanaw nang may Isang Milyong Dollar sa kanyang Bank Account

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas.

Ganito pala ang Wais na Teknik upang Hindi Matalsikan ng Mantika Tuwing Nag Piprito