Filipino Driver Nagsauli Ng Bag Na Naglalaman Ng 2 Milyong Piso Sa Isang Foreigner!


Bibihira na lamang talaga ngayon ang mga taong may mabuti at tapat na kalooban. At ang mga taong ito ay talaga namang kahanga-hanga sila at mabuti ehemplo ng ating lipunan. Sila ang mga taong hindi basta basta natutukso sa pera. 

Ang mayor ng Sogod, Southern Leyte ay ibinahagi ang istorya ng isang Pilipinong motor cab driver na ito na talaga namang ikinahanga ng maraming netizens dahil sa ginawa niyang kabutihang loob.

Ang istorya ay unang iniupload sa social media at talaga namang marami ang napa-share at napa-like dito. Karamihan din sa mga netizens, sinabi na dapat ay maging isa siyang role model sa bawat Pilipino.

Kinilala ang mabuting driver na si Dennis Geverola. Siya ang nagsauli ng isang bag na naglalaman ng P2 milyong piso na naiwan sa kanyang motor cab na napag-alamang pagmamay-ari ng isang foreigner. 

Sa social media account ng mayor ay masaya niyang ipinost ang ginawang pagsasauli ng lalaki.


Narito ang kanilang naging pahayag:

"On behalf of the Municipality of Sogod, I would like to comment the motorcab driver, Mr. Dennis Geverola for returning the bag that was left in his vehicle. The bag contained 2 million pesos in cash and other important documents. May God bless you!"

Nang malaman na ganito kalaki ang laman ng pera sa loob ng bag ay marami ang nagulat. Dahil hindi nagtangkang kunin o itago ng butihing cab driver ang ganoong kalaking pera. Sa halip ay isinurender niya ito sa mga kinauukulan upang ito ay maibalik sa tamang nagmamay-ari.


Narito naman ang ilang pahayag ng mga netizens:

"Sir saludo ako sayo. Mabibilang lang ang kagaya mo dito sa mundo. Karamihan dito ay magnanakaw at gahaman sa pera. God Bless You!

"Saludo po ako sayo sir sa kabutihan mo. Godbless po and more blessings!"

Kahit na ang kinikita ni Mr. Geverola ay nasa below minimum ay hindi ito natukso at kahanga-hanga ang ginawa niyang kabutihang loob para sa kanyang kapwa. Ang mga taong kagaya niya ay tunay na dapat na pinagpapala.

Blog Views

Popular posts from this blog

Bata, Matiyagang Nag-aabang Ng Bibili Ng Kanyang Mga Panindang Kabute Kahit Nag Tirik Ang Araw

Nawawalang Sexy Aktres Noon, Namataang Palaboy Laboy nalang sa Mandaluyong ngayon!

Good Samaritan na Pulis, Viral Matapos Pakyawin ang Panindang Saging ng Isang Lolo

OFW na nag Trabaho sa Saudi ng 12 Years Namatay ng hind Nakikita ang Pamilya sa Pilipinas

May isa nanaman Namatay dahil sa AstraZeneca Vaccine, Sakit Mawalan ng Minamahal sa Buhay