Larawan ng Lolong Street Vendor na Nabiktima ng “Hit-And-Run”, Viral ngayon Online


Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang tindero matapos nawala lahat ng mga produkto na kaniyang tinitinda dahil sa “hit-and-run” na insidente na nangyari sa kaniya.
Hanggang ngayon, marami pa din ang nangyayaring insidente sa daan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa din sa buong mundo. Ang mga drivers at motorista ay pinapayuhan na magdoble ingat sa tuwing sila ay nagmamaneho sa daan.
Ibinahagi ng Fcebook page na “Pilipinas Trending Viral” ang nakakadurog na puso na larawan ng matandang tindero na nakahiga sa gitna ng daan at nawala lahat ng kaniyang mga tinitinda matapos siyang masagasaan ng driver. Ang larawan ay mabilis na kumalat sa social media.


Sa nasabing larawan, makikita na nakahiga ang tindero sa daan habang lahat ng mga tinitinda niyang produkto ay nagkalat sa gita ng daan dahil sa “hit-and-run” na insidente. Ang insidente umano ay nangyari sa harap ng SM Marikina.
Ayon sa post, ang nagmamaneho ng sasakyan na nakabangga sa tindero ay hindi man lang huminto upang tignan ang kalagayan ng tindero matapos ang insidente. Bagkus ay nagdere-deretso pa ito at hindi man lang binayaran ang pinsala na ginawa niya sa matanda.
Narito ang kabuuang post:

Guys! tulungan po natin itong si manong na naghahanapbuhay, kawawa naman.. binangga po sya at pinabayaan lang sa tapat ng SM Marikina, hindi man lang tinulungan at hindi binayaran ang kanyang paninda.. Paki share na lang po para mapanagot yung nag hit and run kay manong at para matulungan natin sya..”

Kaagad naging viral sa social media ang larawan at umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.
Narito ang ilan sa kanilang komento:
“Npaka walang puso nmn tlga ng gumawa nyan oh.. Nka2lungkot isipin na sa kbila ng mga pinag da2anan ntin ngaung pandemya may mga taong dipa rin ntututo… 😔ayaw gumawa nlng ng kbutihan sa kapwa..”
“Napakawalang hiya naman ng gumawa nyan, di man lang naawa sa nabangga nya, sana dika patulugin ng konsencya mo. Hayp ka!”

Sa mga taong labis ang kasamaan bilang na ang mga araw nyo. wag kayong matutulog dahil bukas baka di na kayo magising walang kayong mga puso di na kayo dapat mabuhay pa sa mundo.”
“Sna may cctv sa area na yan… para mabilis matukoy kung sino may gawa! Sir raffy tulfo sna mapansin nyo tong ngyare kay manong”

Page Post :

Guys! tulungan po natin itong si manong na naghahanapbuhay, kawawa naman.. binangga po sya at pinabayaan lang sa tapat ng SM Marikina, hindi man lang tinulungan at hindi binayaran ang kanyang paninda.. Paki share na lang po para mapanagot yung nag hit and run kay manong at para matulungan natin sya.

Blog Views

Popular posts from this blog

Bata, Matiyagang Nag-aabang Ng Bibili Ng Kanyang Mga Panindang Kabute Kahit Nag Tirik Ang Araw

Nawawalang Sexy Aktres Noon, Namataang Palaboy Laboy nalang sa Mandaluyong ngayon!

Good Samaritan na Pulis, Viral Matapos Pakyawin ang Panindang Saging ng Isang Lolo

OFW na nag Trabaho sa Saudi ng 12 Years Namatay ng hind Nakikita ang Pamilya sa Pilipinas

May isa nanaman Namatay dahil sa AstraZeneca Vaccine, Sakit Mawalan ng Minamahal sa Buhay