Limpak limpak na Pera Natagpuan Ng Mga Construction Worker Sa Surigao Del Sur


Isang normal na araw lamang ito para sa mga construction worker na ito. Sila ay pumasok ng maaga upang masimulan na ang kanilang trabaho ngunit hindi nila akalain na habang sila ay naghuhukay sa lupa ay may makikita silang isang bagay na talagang kinagulat nila.
Ang mga construction worker na ito ay nagtatrabaho sa perimeter fence sa isang covered court sa Barangay Telaje, Tandag City, Surigao del Sur. Isang araw, habang sila ay nagbubungkal sa lugar ay nagulat na lamang sila nang makahukay sila ng limpak-limpak na salapit.
Ang lumang perang papel na kanilang nahukay ay nasa halagang P5, P10, P20, P50, P100, P200, P500, and P1,000.

Sa panayam naman ni Police Regional Office 13 spokesperson Police Maj. Renel Serrano, sinabi niya na hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ng mga kapulisan kung sino talaga ang nagmamay-ari ng mga pera na nakabaon sa lupa.
Saad ni Serrano,

“So far, hindi pa nakilala sino ang may-ari ng ibinaong pera sa perimeter ng covered court.”
Sinabi din ni Serrano na nasa P300,000 ang kabuuang pera na nahukay ng mga construction. Ngunit, ang pera ay nasa kamay na ng mga construction worker. Ang pera na nai-turn over ng ibang construction worker sa kapulisan ay humigit kumulang P19,000.


Sa pahayag naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sinabi ng bango na wala nang monetary value ang mga nahukay na pera at hindi na ito magagamit pa dahil hindi naman na ito mapapalitan sa banko at tanging pang collector’s item na lamang ang mga pera.

Samantala, marami namang mga netizens ang nagbigay ng iba’t ibang reaksyon ukol dito. Ilan sa kanila ay nagsasabi na baka sumakab!l@ng buhay na ang may-ari ng pera na ito. Samantala, ang iba naman ay nalungkot dahil malaking halaga din ang naipon na pera at sayang na hindi na ito magagamit pa.


Blog Views

Popular posts from this blog

Lalakeng Gutom Kanin Lamang Ang Binili Sa Isang Fast Food Resto Dahil Sa Walang Pera; Tinulungan Ng Isang Crew

Another Virus Spread In China? 'Tick-Borne Virus' Has Left Atleast 7 Dead and 60 Infected

Matandang Foreigner na Niloko ng Pinay Nakatira na Lamang sa Barong Barong Matapos Kuhanan ng Pera at Iniwan

Customer kinansel ang pagorder ng Money Cake dahil nag Expect na may laman ng 10k ang babayarang P1500 na Cake

Lumpia Vendor na Kumikita ng P20,000 Kada Linggo Kung Saan ibinahagi ng isang Netizen