Kawawang Tindero Ng Lemon, Niloko At Binayaran Ng Pekeng Isang Libong Piso


Sa hirap ng buhay ngayon, marami na talagang tao ang nakakagawa ng masama sa kanilang kapwa. Hindi na rin bago ang panloloko, pang-iiscam at pame-meke ng pera ng ibang tao. Minsan kung sino pa ang marangal na naghahanap buhay ay sila pa ang nabibikt!ma ng mga manlolokong taong ito.

Sana lamang ay matigil na ang mga ganitong insidente at magkaroon man lang kahit konting konsenya ang mga taong gumagawa ng iba't ibang klaseng panloloko sa kanilang kapwa.

Ibinahagi ng Facebook page na Pilipinas Trending Viral ang isang kawawang manong na nagtitinda ng lemon sa bangketa. Ayon sa post ay nagtitinda ang lalaki sa may Espanya, Manila nang mayroong bumili sa kanya na naka-kotse pa raw.


Ang nakakadurog ng puso ay imbes na sana ay kumita si Manong tindero noong araw na iyon ay naloko pa siya dahil ang ipinambayad sa kanyang isang libong piso ay isang pekeng pera.

Hindi man lamang naawa sa nagtitinda lalo na't naghahanap buhay naman siya ng marangal para sa kanyang pamilya. At maaaring kakasimula lang din niyang makabalik at makaahon sa pagtitinda lalo na pa't kaka-lift lamang ng quarantine sa ibang lugar.

Ayon sa post ay dumayo pa ang tindero mula Taytay, Rizal patungong Maynila para makipagsapalaran at makapaghanap-buhay. Ngunit napakasaklap naman ang dinanas niya dahil ganito pa ang kanyang sinapit lalo na pa't krisis at napakahirap maghanap buhay ngayon.

Hiling ng mga netizen na sana ay managot ang taong naka-kotse na nanloko kay Manong tindero at makarating ito kay Raffy Tulfo.


Narito ang ilang komento ng mga netizens tungkol dito:

"Grabe naman, ang mura na nga ng tinda ni tatay nakuha niyo pa lokohin. Hayaan mu po tay mas malaki po ang mawawala sa kanila,"

"May araw din yang mga taong ganun. Nabubuhay sa panloloko ng kapwa, may karma din yan."

"Kawawa naman ang hirap magtinda tapos may mga tao pang walang awa sa kapwa."

"Napakawalang puso nung bumili kay tatay."

"May mga tao talagang sadyang walang hiya."

Blog Views

Popular posts from this blog

Are You A Single Parent? Know Your Benefits And Privileges Under The Solo Parent Act of the Philippines

Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-Limpak Na Pera

Misis Sinundan Ang Kotse Ng Mister At Nahuli Sa Akto Na Sakay Ang Kanyang Kabit

Isang Engineer nagbitiw sa kanyang trabaho naging isang Fish Breeder ngayon kumikita ng malaki

Isang Ama, NaKitang Wala Nang Buhay Habang Nagtitinda ng Ice Cream