Nanlilimos na Lolo Bumili ng isang t-shirt at Nagbayad ng Baryang Php400!
Kadalasan, kung mayroon tayong gustong bilhin o maipundar na bagay ay nagsusumikap tayong makapag-ipon ng husto. Maaaring mahirap ang buhay para sa maraming mga Pilipino ngunit dahil na rin sa matinding pagsusumikap at pagtitiyaga natin ay hindi na nakapagtatakang makamit natin ang mga bagay na matagal na nating pinag-iipunan.
Ngunit aakalain ba ninyong kahit ang isang matandang lalaki na panlilimos lamang ang ikinabubuhay ay nag-iipon din ng husto upang mabili ang nais niyang damit? Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang larawan ng matandang lalaki na ito na naglabas ng kaniyang mga barya bilang pambayad sa binili nitong t-shirt.
Ang tindera na si Paulee Dagandan ang nagbahagi ng larawan ng matanda sa social media dahil sa labis na tuwa nito sa kaniyang customer na hindi man lamang tumawad sa presyo ng binibili nitong damit. Batid naman natin na tila ba nakasanayan na ng maraming mga Pilipino ang tumawad ng husto sa turing ng mga tindera lalo na sa ilang mga paninda sa palengke tulad na lamang halimbawa ng mga damit, tsinelas, sapatos, gulay, prutas at marami pang iba.
Dahil sa nakakatuwang ugali ng matandang lalaki na ito ay dinagdagan pa ng tindera ng libreng damit ang binili ng lolo. Bukod sa tie-dye na napili nitong bilhin ay mayroon pa siyang isa pang bago at libreng t-shirt.
Natuwa rin ang maraming mga netizens sa lolo kung kaya naman marami ang nagnais mag-abot ng tulong dito. Hinanap naman ng tindera ng matandang lalaki na napag-alaman niyang namamalimos at nanghihingi lamang pala ng barya upang makaraos sa araw-araw.
Kung kaya naman mas marami pang mga tao ang labis na bumilib sa matandang ito na bagamat walang maraming pera o materyal na bagay sa kaniyang buhay ay nagbabayad ng tama sa kaniyang pinamili at hindi na nanghihingi pa ng tawad sa tindera.
Wala namang masamang tumawad lalo na sa palengke ngunit madalas ay sobra na rin namang tumawad ang ilan sa atin
Hindi natin batid na kailangan din namang kumita ng mga tinderang ito na mayroon ding binubuhay na pamilya tulad natin.