Isang Factory Worker Ang Pinagtatawanan Dahil sa Tuyo at itlog Lagi ang Ulam Nito!


Sa mundo na ating ginagalawan, maraming mga tao ang mapanghusga. Sa halip na intindihin at alamin muna ang kwento sa likod ng sitwasyon, marami pa din ang pinipili na husgahan ang kanilang kapwa base lamang sa kanilang ginagawa o kinikilos.
Katulad na lamang ni Raul na nakaranas ng panghuhusga at pagmamaliit ng ibang tao dahil lamang ang ulam niya ay tuyo at itlog sa trabaho.
Si Raul ay isang factory worker. Walong taon na din siya sa trabaho niya sa planta. Madalas siyang pinagtatawanan at hinuhusgahan ng ilan niyang katrabaho dahil palagi niyang ulam ay itlog at tuyo. Kahit pa man sa tuwing araw ng sweldo ay ganoon pa din ang ulam ni Raul at hindi ito nagbabago


Sa tuwing siya ay mamaliitin ng kaniyang mga katrabaho ay ngingitian na lamang ito ni Raul. Masakit man sa loob niya ang makatanggap ng ganung panghuhusga mula sa mga katrabaho ay tinatanggap na lamang niya. Kung tutuusin ay kaya din naman ni Raul na makabili ng mga mamahaling pagkain sa kanilang canteen ngunit pinipili niya na itlog at tuyo pa din ang kaniyang ulam dahil siya ay nagtitipid at madami pa siyang kailangan bayaran.
Iniiwasan talaga ni Raul ang gumastos kaya naman sa tuwing mag-aaya ang kaniyang mga katrabaho sa inuman ay tatanggi siya agad mula sa mga ito.

Dahil dito, unti-unti na din siyang nilayuan ng kaniyang mga katrabaho hanggang sa wala na talagang lumalapit o nag-aaya sa kaniya. Sa loob ng walong taon na kaniyang pagtatrabaho sa planta ay wala siyang naging kaibigan. Madalas pa nga ay naririnig niya ang mga katrabaho na pinaparinggan at pinagtatawanan siya.
Isang araw, habang sila ay naghahapunan sa canteen ay muli na namang naging tampulan ng kutya si Raul dahil sa kaniyang baon. Nang mga oras na iyon ay kasama nilang naghahapunan ang team leader nila na si Reah. Matanda na ito at masungit.

Napansin ng team leader nila ang kaniyang ulam kaya naman sinita nito si Raul at tinanong kung bakit palagi na lamang itlog at tuyo ang kaniyang ulam. Nahihiya man ay sinagot na lamang ito ni Raul at sinabi na mayroon siyang binabayaran sa kanilang bahay.


Dahil sa pagsita ng team leader nila ay napatingin na din ang mga tao sa kanilang pwesto. Maya maya pa ay muli siyang kinwestiyon ng kanilang team leader at sinabi na siya ay sumusweldo ngunit palagi na lamang itlog at tuyo ang kaniyang ulam. Sinabihan pa siya nito na maghugas ng kamay at baka mahawa ang produkto na kanilang ginagawa sa baho ng kamay nito dahil sa kaniyang ulam.
Nahihiya na lamang na yumuko si Raul sa sinabi ng kanilang team leader at dahil nagtatawanan na din ang kaniyang mga katrabaho. Binilisan na lamang ni Raul ang pagkain at dali daling pumunta sa locker room.

Samantala, patuloy pa din ang pangungutya ni Reah at ng mga katrabaho kay Raul kahit nakaalis na ito sa eksena.
Makalipas ang ilang araw, napansin ni Reah na hindi na pumapasok si Raul sa trabaho simula ng kinutya nila ito. Isang gabi, pinatawag ng head manager ang lahat ng team leader ng planta. Inanunsyo niya na sila ay magkakaroon ng bagong supervisor. At ang supervisor ay matatalaga sa department ni Reah.

Maya maya pa ay pumasok na ang isang lalaki. Simple lamang ang suot nito ngunit mahahalata mo sa tela na ito ay mamahalin. Nagulat si Reah na makita na ang magiging supervisor niya ay walang iba kundi si Raul, ang lalaking kinutya niya dahil sa ulam nito.
Nanlumo at nakaramdam si Reah ng takot. Naisip niya lahat ng sinabi at pangmamaliit niya kay Raul noon. Kaya naman humingi siya ng paumanhin dito para sa inasal niya noong huli silang magkita. Ngunit, ngumiti lamang si Raul sa kaniya at sinabi na sana ay maging aral ito para sa team leader na huwag basta manghusga at mangmaliit ng kapwa.

Si Raul pala ay isang working student kaya ang ulam palagi nito ay itlog at tuyo. Siya ay nag-aaral sa umaga at nagtatrabaho naman sa gabi. Kailangan niyang magtipid para matustusan ang pag-aaral.
Nang ipakilala na si Raul sa kaniyang mga katrabaho ay nagulat ang mga ito at hindi inaasahan na ang pobreng katrabaho na minamaliit at kinukutya nila dahil sa ulam nito ay ang kanilang bagong supervisor na ngayon. Nakaramdam sila ng hiya dahil sa ugaling pinakita nila dito noon.

Sinasabi lamang ng kwentong ito na huwag tayong basta basta manghusga ng ating kapwa dahil hindi natin alam ang kwento sa likod ng kanilang ginagawa o kinikilos. Ang buhay ay parang isang gulong, ang mga tao na nasa ibaba ay maaaring mapunta din sa itaas at maging successful balang araw.

Blog Views

Popular posts from this blog

Sunshine Cruz sinalag ang bintang na Sinulot sya ni Rayver Cruz kay Cesar Montano

Hindi niya akalain na ang kanyang asawa ngayon ay ang batang babae na bigla niyang hinalikan sa noo 30 years ago

Paggamit Ng Pampakulay Ng Buhok, Naging Sanhi Ng Pag-Iba Ng Itsura Ng Bababeng Ito

Isang ginang na isa sa mga 4Ps beneficiary sa Pinas, isang linggo lang mapagkakasya ang P8,000 para sa kaniyang pamilya?

Isang Engineer nagbitiw sa kanyang trabaho naging isang Fish Breeder ngayon kumikita ng malaki