Batikang Actress na si Cherie Gil Pumanaw Na!




Pumanaw na ang batikang aktres na si Cherie Gil, at kinumpirma ito ng kaniyang pamangkin na si Sid Lucero kay Lhar Santiago ng GMA News.


Wala pang ibinibigay na ibang detalye.


Nitong nakaraang Pebrero, marami ang nagulat nang naging cover Mega Magazine si Cherie na walang buhok.


“Out with the old, in with the new, but this time, with even greater purpose. One of the most celebrated actresses in Philippine cinema, Cherie Gil shakes off her iconic villainess persona to start a new chapter of hope and positivity,” saad sa caption ng magazine sa Instagram account.

Nag-post din si Cherie ng naturang larawan sa kaniyang Instagram.


Inihayag niya dito ang kaniyang lungkot sa nangyari sa kaniyang career noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.


Ibinenta umano niya ang lahat at lumipad sa New York. Sa kaniyang pagsisimula sa NY, sinabi ni Cherie na iniwan niya ang lahat pati na ang mga lumang damit “that symbolized a past life,” pati na rin ang kaniyang buhok.


“What’s hair diba? It grows back. It’s symbolic to my personal growth. When a woman is in distress, she cuts her hair,” ani Cherie.


Si Cherie ay anak ng mga sikat din na artista noon na sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa. Kapatid niya sina Mark Gil at Michael De Mesa.


Huling TV drama series ni Cherie sa GMA Network ang "Legal Wives" na ipinalabas noong July 2021.

Blog Views

Popular posts from this blog

Matandang Pilit Pinababa Ng Mga Pasahero Sa Jeep Dahil Sa Amoy Nito May Nakakaiyak Na Kwento

Filipino Driver Nagsauli Ng Bag Na Naglalaman Ng 2 Milyong Piso Sa Isang Foreigner!

Asong Gala Na Sinipa Ng Isang Lalaki, Gumanti Kasama Ang Mga Kaibigan

Netizen, Ibinahagi Ang Kanyang Nadiskubre Para Mapabilis Ang Signal Ng Internet Connection

Nawawalang Sexy Aktres Noon, Namataang Palaboy Laboy nalang sa Mandaluyong ngayon!