Isang Engineer nagbitiw sa kanyang trabaho naging isang Fish Breeder ngayon kumikita ng malaki

Ang pagkakaroon ng trabaho mula alas-9 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon ay talaga namang nakakaubos ng lakas, oras at pasensiya lalo na kung maliit ang iyong sahod at pahirapan pa ang pakikisama sa mga katrabaho at sa amo. Marahil ito ang nagtulak kay Mohd Fajiha Alaihis upang iwanan niya ang kanyang trabaho bilang isang inhinyero sa isang matatag na kompanya kung saan siya ay kumikita ng halagang P19,000 kada buwan o RM1,500. Batid ng batang inhinyero na hindi sasapat ang kanyang kinikita upang masuportahan ang kanyang pamilya dahil sa sarili pa lamang niya ay kinakapos na ito. Kung kaya naman nakahanap siya ng ibang paraan upang kumita ng pera. Nagsimula ang kanyang tagumpay nang ang kanyang kapatid ay bumili ng magandang klase ng “parent fighting fish” na sinubukan niyang palahian. Naisip niyang maaari pa niya itong gawin upang kumita ng mas malaking halaga ng salapi. Sa isang iglap ay kumita na siya nang RM600 o P7,700 nang ibenta niya ang unang anak ng kanyang alaga...